^

Metro

Life sa 4 na kidnappers

- Ni Angie dela Cruz -

Hinatulan ng habam­bu­hay na pagkabilanggo ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang apat na kidnappers ka­ugnay sa pagdukot sa isang 15-anyos na dala­gita anim na taon na ang naka­karaan.

Ang mga nasenten­siya­han ay sina Joseph Randy Mendoza, 38; Maria Victoria Acuatin, 44; at Joselito Mortega, 37, sa­mantalang ang ika-apat na suspek na si Nelson Pilar ay namatay sanhi na ng sakit habang nakapiit sa Las Piñas City Jail.

Si Pilar ang driver ng pamilya ng biktima. Napa­tunayan ng korte na si Pilar ang tumayong tipster sa pagdukot sa biktimang si Kathleen Pacquing, na ngayon ay 21-anyos na.

Matatandaang, si Pac­quing ay dinukot ng grupo ng mga armadong kala­laki­han noong naka­ra­ang Hulyo 23, 2002 sa New Manila, Quezon City at saka binihag sa loob ng pitong araw sa Imus, Cavite.

Pinawalan din ng mga suspek ang biktima nang pumayag ang pa­milya nito na magbigay ng ran­som money at  ka­bilang ang isang kotseng Honda.

Dalawang araw ma­ka­­raan ang naganap na pay-off, naaresto ng mga ope­ratiba ng Police Anti-Crime and Emer­­gency Response (PACER) ang mga suspek sa ka­ nilang hideout sa Imus, Cavite. (May ulat ni Joy Cantos)

CAVITE

CITY JAIL

JOSELITO MORTEGA

JOSEPH RANDY MENDOZA

JOY CANTOS

KATHLEEN PACQUING

LAS PI

MARIA VICTORIA ACUATIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with