^

Metro

16-anyos binuntis ng ama

-

Arestado ang isang 38-anyos na security guard matapos mabunyag ang pang-aabusong sekswal na ginawa nito sa 16-anyos niyang anak na kanya pang nabuntis sa  Tondo, Maynila, sa ulat kahapon.

Dahil umano sa mga malisyosong text messages  ng suspect na si Sofronio  Gajo, 38, residente ng Bldg. 10, Permanent Housing, Tondo, Maynila sa biktima na nabasa ng ina nito, mas nabuo ang teorya ng ina na may nangyayari‚ sa pagitan ng dalawa lalo’t pinagdu­dahan na rin umano ang paglaki ng tiyan ng kanyang anak na kasalukuyang 4-na buwang buntis.

Kahapon ng hapon ay isinailalim sa inquest proceedings si Gajo sa kasong rape sa kanyang anak na biktima na  itinago sa pangalang Daisy. Sa ulat ng pulisya, dinakip ang suspect sa tahanan nito nang ireklamo ng kanyang humiwalay na asawa (ina ng biktima) sa pulisya, kamakalawa ng gabi.

Ayon pa sa impormasyon, ang biktima ay may nakababatang kapatid na lalaki na nakatira sa ina nito matapos humiwalay sa suspect, habang ang biktima ay palipat-lipat ng paninirahan sa ina at ama na may kalive-in din na isang mas matandang babae.

Nadiskubre na mahigit isang taon nang nagpasasa ang suspect sa katawan ng anak, noong ito ay 15-anyos pa lamang at ang pinakahuling insidente ay naganap umano noong Abril ng taong kasalukuyan, na nagresulta sa pagdadalang-tao ng biktima. (Ludy Bermudo)

ABRIL

ARESTADO

AYON

BIKTIMA

GAJO

LUDY BERMUDO

MAYNILA

PERMANENT HOUSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with