Ex-brgy. captain nagmasaker sa 6 na obrero, arestado
Matapos ang matagal na pagtatago, isang dating barangay captain at tinaguriang isa sa mga “most wanted criminal” ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Caloocan City Police at Rosario, La Union Police dahil sa pag-masaker nito sa anim na obrero noong 2006 sa nabanggit na lungsod.
Kinilala ang suspect na si Graciano Victoriano “alyas Garcing”, 44, dating kapitan ng Brgy. Bignay,
Sa rekord ng pulisya, nabatid na si Victoriano ang sinasabing nag-masaker sa anim na obrero na sina Ramon Villanueva; Judril Meguizo; Arthur Cardona; Jefferson Agipanan; Alfredo Asuero at Remy Amoro, pawang mga empleyado ng Ken Dragon Manufacturing Corporation na matatagpuan sa Brgy. Perez, Sto. Niño, Meycauayan, Bulacan.
Ang naturang akusado ay naaresto ng mga awtoridad sa Damortis,
Matatandaan na noong Oktubre 1, 2006, dakong ala-1 ng madaling-araw, sa Phase 3, Nova-Romania Subd., Deparo, Brgy. 168, Camarin,
Napag-alaman na unang inaresto ng mga barangay tanod ang mga biktima matapos madaanan ang mga ito na pasuray-suray na naglalakad sa kalsada dahil sa labis na kalasingan.
Makalipas ang ilang sandali ay dinala ang mga ito sa madilim na bahagi ng Nova Romania Subd.,
Ilang araw naman ang nakalipas ay naaresto si Victoriano ngunit sa hindi malamang dahilan ay nakapaglagak ito ng piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan. Hindi rin nagawang makadalo sa hearing ni Victoriano hanggang sa isyuhan ng korte ng warrant of arrest ito.
Matapos ang mahigit isang taong pagtatago, nadakip ng pulisya ang akusado sa nabanggit na lalawigan. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending