Holdaper ng bombay tepok sa engkuwentro

Isang holdaper ang namatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis makaraang mambiktima ng isang Indian national sa Valenzuela  City kahapon.

Kinilala ang suspek na si Arnel Jurial Carasco, nasa hustong gulang ng Barangay Pandayan, Meycauayan, Bulacan habang nakatakas naman ang isa pang hindi pa kilalang kasama nito.

Ayon sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong  alas-12:30 ng tanghali  nang holdapin ng mga suspek si Pal Singh, 22, ng Fortune Village, Valenzuela City sa Mulawinan st., Lawang Bato ng nabanggit na  lungsod.

Kinuha ng mga suspek ang P4,500 ng biktima at tinangay sa pagtakas ang kulay pulang Honda Wave (CO-7480) nito.

Agad na nagpunta sa presinto si Singh na naging dahilan upang ialarma ang nasabing motorsiklo at matunton ang mga suspek. (Lordeth Bonilla)

Show comments