Obrero pinagtripan

Isang  obrero ang nasawi at  sugatan naman ang kaibigan nito makaraang mapagtripang harangin,  bugbugin at barilin  ng limang hindi nakikilalang kalalakihan na pawang lasing kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Nalagutan na nang hininga bago maipasok sa Jose N. Reyes Memorial Hospital ang biktimang si Reyel Centenaje, 21, binata, ng Phase 9, Package 3, Block 8, Lot 13, Maharlika Street, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod. Nakaratay din sa nasabing pagamutan sanhi ng mga bukol at pasa sa katawan si Randy Vayloces, 22, empleyado ng RMC Advertising at kapitbahay ng nasawi. (Lordeth Bonilla)

Show comments