^

Metro

Binata todas sa resbak ng kalabang gang

-

Hindi na umabot pang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hos­pital ang isang 19 -anyos na binata matapos barilin nang rumesbak na kalabang gang kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si Emmanuel Dabon Jr., residente  ng #54 Sta Fe St., Tondo.

Pinaghahanap ng pulisya ang mga suspect na kinilala lamang sa mga  alyas na Vincent , Marvin, Michael Puti at 3 pang di nakilalang kasamahan nito, na pawang miyembro umano ng “Magic 5 gang”.

Sa ulat ni Det Edgardo Ko ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagupaan ang grupong “Magic 5”  at ang kinaaniban ng biktimang “Exodus gang” sa panulukan ng Radial 10 at Chesa Sts., Tondo .

Nabatid na ang pagtungo ng gang ng suspect sa lugar ng biktima ay bilang ganti o resbak umano sa dating naging awayan sa pagitan ng dalawang gang.

Habang nagkukuwentuhan ang biktima at mga ka-grupong sina Nancy Cervantes at Mary Ann Cubilla ay dumating ang mga suspect at dahil sa naramdamang panganib ay nagsitakbo ang grupo ng biktima subalit hinabol sila hanggang sa paulanan ng bote, bato at sunod-sunod na putok ng baril ng Magic 5.

Nang mabuwal ang biktima ay nagkaniya-kaniyang pulasan umano ang mga suspect.

Kilala ang dalawang grupo na mortal na magka-away at pinaniniwalaang ganti ng Magic 5 ang paglusob sa grupo ng biktima. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

CHESA STS

DET EDGARDO KO

EMMANUEL DABON JR.

HOMICIDE SECTION

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with