^

Metro

Patay na sanggol sa kahon,ipinaanod

-

Isang  sanggol na lalaki na inilagay sa isang kahon na nag­silbing kan­yang kaba­ong ang ipina­anod at natagpuang lumu­lutang sa Manila Bay sa tapat ng Baseco Compound sa Port Area, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng MPD-Homicide Division, mahi­rap uma­nong matukoy kung may mga sugat, pi­nahirapan o sadyang pinatay ang sanggol dahil naaagnas na ang kata­wan nito, na tina­tayang may 3 araw pa lamang na naipa­nganak.

Pinasok umano ng tubig ang kahon na pi­nag­sidlan ng bangkay kaya nababad ito sa tubig at naaagnas  bago natag­puan ng isang con­cerned citizen kahapon ng umaga. 

Dinala ang bangkay sa Universal Funeral Parlor,habang patuloy na nagsasagawa ng imbes­tigasyon ang pulisya sa pagkakaki­lanlan sa mga ma­gu­lang ng biktima. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AYON

BASECO COMPOUND

DINALA

HOMICIDE DIVISION

ISANG

LUDY BERMUDO

PORT AREA

SHY

UNIVERSAL FUNERAL PARLOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with