^

Metro

Mayor Lim, 21 pa kinasuhan sa Ombudsman

- Ni Angie dela Cruz -

Sinampahan ng ka­song katiwalian sa tang­gapan ng Ombudsman si Manila  Mayor Alfredo Lim at ang  lima pang emple­yado ng Manila City Hall, gayundin ang 16 na  pulis kaugnay ng umano’y paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, usur­pa­tion of judicial functions at grave coercions.

Si Lim at iba pang opisyal nito ay kinasu­han ni Dealco Farms, Inc. (DFI) Executive Vice-President Jo­ce­lyn   Alco­reza dahil sa ma­rahas umanong pag-take-over ng city government sa Vitas Slaughterhouse na nauna nilang nakon­trata para sa “Long Term Lease, Rehabilitation, Modernization and Ope­ration” base na rin sa City Council Resolution no. 87 noong panahon ni da­ting Mayor Lito  Atienza.

Sinabi ni Alcoreza, puwersahan silang pina­alis at ang kan­yang mga tauhan sa nasabing slaughterhouse noong Hulyo 11, 2008 kasama ng kan­yang kapatid at incumbent Councilor na si Dennis Alcoreza ng mga armadong emple­yado at pulis ng Maynila. 

Bukod kay Lim ka­sama sa kinasuhan  sina city government officials Ricardo de Guzman, Jesus Mari Marzan, Re­nato dela Cruz, Francisco Co at Carlos Baltazar.

Tinukoy din ni Alco­reza ang mga ka­samang pulis na sina  S/Supt Ale­jandro Gu­tierrez, Senior  Inspector Magno Magno, Senior Inspector Olivia Sagaysay, Senior Ins­pector Marcelino Re­yes, Senior Inspector Fajardo, SPO4 Ara­neta, PO3 Dagang, PO2 Guina, PO2 Juan, Supt. Rolando Miran­da, PO2 Navoua, PO1 Menpin, PO1 Arroyo Jr., PO1 Balagtas, PO1 Francisco at PO3 Su­nga at iba pang John at Jane Does.

Ang usapin ay nag-ugat nang pinarata­ngan ng Manila City Hall ang DFI na hindi nagbabayad ng ka­nilang lease terms at ipina-sublease pa sa Meatworld International, Inc. ang operas­yon sa na­sabing slaughterhouse kung kaya’t ginawa ang pu­wersahang take-over. 

Depensa ni Alco­reza na hindi dapat ginawa ng City government ang marahas na take-over bagkus kung may pag­labag man ang kanilang tang­gapan dapat sana ay sa tamang korte ito unang idinulog at hindi nilabag ang kanilang karapatang pantao.

ARROYO JR.

CARLOS BALTAZAR

CITY

CITY COUNCIL RESOLUTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with