Milyun-milyon nalulugi sa LRT dahil sa mga sunog
Muli na namang nalugi ang operasyon ng Line 1 ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sanhi ng halos magkakasunod na sunog na tumupok sa mga establisimyento malapit sa kanilang train stations.
Kaugnay nito, umaabot sa milyun-milyong halaga ng salapi ang nalugi sa operasyon ng Line 1 ng LRTA sa sunud- sunod na naganap na sunog. Kahapon ay muling naantala ang operasyon ng LRTA na nakaapekto sa libu-libong commuters matapos sumiklab ang sunog sa
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog dakong alas-7:35 ng gabi sa Pasillo C na nasa unang palapag ng shopping center sa Taft Avenue Extension sa tapat lamang ng Baclaran LRT Station na pag-aari ng isang Mariano Nocom.
Dahil sa kapal at mabahong usok, hindi muna nagpasakay ang LRTA ng mga commuters na patungong Monumento at hindi na rin muna ipinaabot hanggang sa Baclaran Station ang biyahe hangga’t hindi tuluyang naaapula ang sunog.
Tinataya namang aabot na sa P20 milyon ang napinsala sa naturang sunog na nananatili pa ring inaapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at Association of Filipino-Chinese Volunteer Fire Brigade.
Napag-alaman na ang naturang sunog ang pang-apat na sa taong kasalukuyan na nakaapekto ng labis sa operasyon ng Line 1 at naging sanhi ng pagkalugi ng milyong pisong halaga sa kita ng LRTA. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending