^

Metro

Money changers na kotong binabantayan

- Doris Franche-Borja -

Inutos ni Acting Ma­nila Mayor Isko Mo­reno  sa Manila Police Dis­trict at sa mga awto­ridad ng City Hall na i-monitor ang na­ngongotong umano na mga money changer ma­tapos na mag­rek­lamo ang isang Dutch na­tional at misis nito na nabiktima sa Mabini St., Maynila.

Ayon kay Moreno, ka­ilangang agad na  ma­sa­wata ang modus ope­randi ng ilang money changer tulad ng Len Money Changer  sa Ma­bini St. kung saan nag­reklamo ng panda­raya si Maria Jasmin Van Shaick, 63, ng #54 Larate Road, Pilar­ Village, Las Piñas City.

Sinasabi ni Shaick na nagpapalit  sila ng 6,000 euros sa isang Annabelle Santos, 38, teller ng na­banggit na money changing shop. Ang 6,000 Euro ay aabot ng P423,000 kung saan ang palitan nito ay P70.50.

Bagama’t binilang naman sa kanyang hara­pan ang pera, nagulat na lamang siya  ng kanyang mu­ling bilangin na kulang na ito ng P180,000.

Agad na nagrekla­mo si Shaick kay San­tos su­balit itinanggi naman  ito ng huli kung kaya na­pilitan na itong lumapit sa MPD-Station 9 at sa Vice Mayors’ Office.

Ayon naman kay Mo­reno, paiimbesti­ga­han niya ang  insi­dente at kung mapa­patuna­yang  nagka­sala ang  money changer ay agad niya itong ipasa­sara.

Maging ang  Bang­ko Sentral ay agad na sa­sabihan hinggil sa  pan­ lo­lokong gina­gawa ng ilang money changer sa Maynila.

ACTING MA

ANNABELLE SANTOS

AYON

CITY HALL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with