^

Metro

Ina kalaguyo raw ng suspek, Grade 5 pupil nasagip sa kidnaper

-

Nailigtas na kamakalawa ng gabi mula sa kamay ng kanyang kidnaper sa San Fernando, Pampanga ang isang 12-anyos na Grade 5 pupil na unang dinukot sa Muntinlupa City makaraang matunton ng pulisya ang pinagdalhan sa kanya ng mga suspek.

Sa isinagawang follow-up ope­ration na pinamunuan ni SPO1 Alias Nero, mata­gumpay na nabawi ang biktima na si Jerome Rosario habang arestado ang suspek na si Frank Damayo, 50, resi­dente ng #301 Sitio San Pablo, Tela Basbagan, San Fernando.

Inginuso naman ng suspek ang ina ng biktima na si Edna Rosario, 44, na umano’y siyang nag-utos sa kanya na sunduin ang bata sa pinapasukan nitong paaralan sa Sucat Elementary School sa Sucat, Muntinlupa City noong Agusto 7 at isama na ang biktima sa kanilang lalawigan.

Sinabi pa ni Damayo na may relas­yon  sila ng ina ng biktima at nakatakda na sana silang magsama kaya ipina­sundo na ng ginang ang anak sa pa­aralan bago susunod na lamang sa kanila  sa San Fernando.

Sinasabi ng suspek na madalas saktan si Edna ng asawa nito.

Ikinaila naman ng mag-asawang Ro­sario ang pahayag ni Damayo ba­gama’t inamin ng lalaki na paminsan-minsan ay nasasaktan niya ang misis kaya pansamantala lamang silang nag­hiwalay.  (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALIAS NERO

DAMAYO

EDNA ROSARIO

FRANK DAMAYO

JEROME ROSARIO

MUNTINLUPA CITY

SAN FERNANDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with