^

Metro

Pekeng sabon at shampoo sinamsam

-

Tinatayang P15 mil­yon halaga ng mga pe­keng sabon at shampoo at iba pang produktong pampa­ganda ang na­kum­piska ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa isinaga­wang pagsalakay sa isang bodega at tinda­han sa Maynila kamaka­lawa ng gabi.

Sinabi ni Regional Di­rector Elfren Meneses, chief ng Intellectual pro­perty rights division, na ang pagkumpiska sa na­ turang mga produkto ay base sa reklamo ng Proc­tor and Gamble at Uni­lever Philip­pines dahil sa paglabag sa Intel­lectual property code of the  Philippines.

Kabilang sa mga sina­la­kay ng NBI ang isang tin­da­han sa 168 mall at isa pa sa Divisoria Mall sa­man­talang sinalakay din ang isang bodega sa Sto. Cristo, sa Tondo, Maynila at ang limang palapag na bodega sa 2439 Tindalo st. na umanoy pag-aari ng isang Taiwanese national.

Nakumpiska ang mga pekeng Olay, Pantene, Head and Shoulders shampoo, Dove at Jergens soaps, Johnson at iba pang cosmetic products. (Gemma Amargo-Garcia)

CRISTO

DIVISORIA MALL

ELFREN MENESES

GEMMA AMARGO-GARCIA

HEAD AND SHOULDERS

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REGIONAL DI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with