^

Metro

Misis kritikal sa abortion

-

Kritikal ang isang 22-anyos na ina matapos itong duguin nang ipalaglag sa isang abortionist ang batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan  kama­kalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Merry Mahel Rusit ng #1897 Panday Pira Extn., Tondo.

Pinaghahanap naman ng mga ka­gawad ng Manila Police District ang hindi pa pinangalanang aborsiyunista na residente ng Bo. Magsaysay, Tondo.Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na noong Agosto 6, nagtungo ang biktima sa naturang aborsiyunista sa Bo. Magsaysay tungkol sa problema sa kanyang sinapupunan.

Dito, binigyan ng  abortionist ng isang cytotech tablet ang biktima at ipinalagay sa kanyang ari subalit hindi umepekto dahil hindi ito dinugo kaya muli itong bumalik sa abortionist. Muling pinalagyan ng aborsiyunista ng cytotech ang ari ng biktima upang duguin ito.

Dinugo naman ang biktima kinala­unan pero hindi ito huminto sa sumunod na mga araw hanggang maospital. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AGOSTO

DINUGO

DITO

GEMMA AMARGO-GARCIA

MAGSAYSAY

MANILA POLICE DISTRICT

MERRY MAHEL RUSIT

PANDAY PIRA EXTN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with