Dinakma ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mag-asawang hinihinalang gumagawa ng mga pekeng P1,000 at P500 bills nang mabentahan nito ang isang poseur-buyer, sa isinagawang entrapment, sa Quiapo, Maynila, sa ulat kahapon.
Ipinagharap ng mga kasong paglabag sa Revised Penal Code Article 166 (Forging Treasury or Bank Notes) at Art. 168 (Illegal Possession and/use of False Treasury or Bank notes and Other Instruments) ang mga suspect na sina Rene Jacobo, 44; asawa nitong si Veronica, 34, kapwa ng Sta. Cruz, Manila at isang Paulo del Rosario, 34
Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang arestuhin ang tatlo sa Quezon Blvd., Quiapo, Maynila, ito’y matapos na makatanggap ng report ang pulisya tungkol sa iligal na aktibidades ng mag-asawa kaya isinailalim ang mga ito sa surveillance operation. Matapos matiyak ay inihanda ang entrapment operation kung saan nahuli ang mga ito na nagbebenta ng mga pekeng pera. (Ludy Bermudo)