Sanggol inihagis, ligtas: Ina patay sa bundol
Sa huling sandali ay naisipan pa ng isang 30-anyos na ina na iligtas ang kanyang beybi bago ito tuluyang mabundol ng rumaragasang kotse na minamaneho ng isang pulis na nakatalaga sa Po lice Anti-Crime Emergency Response (PACER), sa San Andres, Maynila, sa ulat kahapon.
Isinugod sa Ospital ng Maynila ang 10-buwan gulang na si Karl William Stabu, na wala namang umanong nakitang galos, habang ang ina nito na nakilalang si Jocelyn Domingo, ng #1231 F. Muñoz St., San Andres Bukid, Manila, ay agad idineklarang patay sa nasabing ospital bunsod ng pagkakabunggo.
Mabilis namang sumuko ang suspect na si PO2 Reynaldo Ortiz ng PACER, sa
Sa ulat ng Bureau of Traffic Management, dakong alas-7:30 ng gabi, kamakalawa nang maganap ang insidente sa panulukan ng Pres. Quirino at
Nabatid na habang tumatawid ang mag-ina na karga ang beybi ay hindi na umano nagawang magpreno ni Ortiz na nagmamaneho ng kanyang puting Toyota Fortuner (ZMC 591).
Nagawa umanong ihagis ng ginang ang anak kaya himalang na kasalba ito sa kamatayan.
Sinabi ng imbestigador na naka-green light ang traffic signal kaya hindi akalain ng suspect na tatawid ang mag-ina.
- Latest
- Trending



















