David Bunevacz , pinaaaresto ng QC court sa estafa

Ipinag utos ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na arestuhin ang dating atleta na ngayon ay negosyanteng si David Bu­nevacz kaugnay ng ka­song estafa.

Si Bunevacz ay may tatlong kasong estafa na ang una ay nasa sala ni QCRTC Judge Marie Chris­tine Jacob ng Branch 100 dahil sa umano’y pag­gastos ng pondo ng kom­panya sa Estados Unidos na dati niyang pinanga­ngasiwaan.

Ang dalawa pang ka­song estafa ay nasa sala naman ni QCRTC Branch 101 Judge Evangeline Cas­tillo-Marigomen at Branch 104 Judge Thelma Ponferrada.

Tanging si Judge Jacob ang nag-isyu ng pag aresto kay Bunevacz  dahil sa ka­biguan nitong dumalo sa pagdinig na itinakda ng hukom samantalang sina Marigomen at Pon­ferrada ay wala pang arrest ­sa dating atleta.

Pinayagan naman ng korte na makapaglagak ng piyansang P120,000 para pansamantalang maka­laya si Bunevacz.

Ang kaso na naisampa ni Assistant City Prose­cutor Ronald Ancheta ay nag-ugat sa reklamo ng Beverly Hills Cosmetic Sur­gery and Skin Care Clinic Inc. sa pamamagitan ni Tyrone Ong, direktor ng kompanya kung saan ina­kusahan nito si Bunevacz na noon ay kanilang cor­porate president ay ilegal na ginastos ang pondo ng kumpanya na may hala­gang P850,000.

Sinabi ni Ong na si Bu­nevacz ay nakiusap sa kanya na i-advance ang salapi para sa operation expenses sa iba’t ibang okasyon. Taong 2007, nang mag­­hinala si Ong kaya nagsa­gawa sila ng pag-o-audit sa pondo at doon nga na­tuklasan ang ka­hina-hina­lang tseke na iniisyu ni Bu­nevacz kaya napilitan silang kasuhan ito. (Angie dela Cruz)

Show comments