^

Metro

Mag-tiyo huli sa tsinap-chop  na motorsiklo

-

Dinakip ng mga tauhan ng Manila  Police District-Anti-Carnapping (MPD-ANCAR) ang isang 51-anyos na lalaki at pamangkin nito sa aktong kumakatay ng kinarnap na motorsiklo, sa Sta. Ana, Maynila. Nakilala ang nadakip na mag-tiyo na sina Benjamin Manansala Jr, at pamangkin nitong si  Reynaldo Manansala,  21, kapwa residente ng #2064 Batangas Line St., Sta. Ana, Manila. Ito’y matapos na pormal na maghain ng reklamo ang isang Darius Hilario, 37, Project Manager ng 1674 Road 20 Fabie Estate, Paco, Manila. Ayon sa  ulat,  dakong alas-3:30  ng hapon ng arestuhin ang mga suspek sa harapan ng kanilang bahay habang china-chopchop ang mga piyesa ng mga ninakaw na motorsiklo. Ayon sa biktima ipinarada niya ang pulang Honda Wave 125cc sa kanilang compound nang mawala ito sa pagitan ng alas-8 ng gabi hanggang kinabu­kasan ng alas-5 ng umaga, Agosto 3, 2008.

Sa tulong ng concerned citizen ay itinuro ang mag-tiyo at nang puntahan ang mga ito ay na­aktuhan pa ang dalawa habang binabaklas ang nakaw na motorsiklo na nakatakda na sanang ibenta. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AYON

BATANGAS LINE ST.

BENJAMIN MANANSALA JR

DARIUS HILARIO

FABIE ESTATE

HONDA WAVE

LUDY BERMUDO

POLICE DISTRICT-ANTI-CARNAPPING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with