^

Metro

Dennis Roldan itinurong ‘big boss’ sa  kidnap

-

Lalong nadiin sa ka­ song kidnapping for ransom si dating Quezon City Congressman at aktor na si Dennis Roldan matapos na ituro ito ng biktimang batang Tsinoy na siya uma­ nong “big boss” sa pagdu­kot sa kan­ya may tatlong taon na ang nakalipas      sa Ortigas, Pasig City.

Kahapon ay muling nakaharap ng batang bik­tima na si Kenshi Yu na ngayon ay anim na ta­ong gulang na at ang kan­yang abductors na si Rol­dan (Mitcheell Gumabao sa tunay na buhay) sa sala ni Judge Rodolfo Bonifacio ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159 sa pagpapa­tuloy ng ka-song kidnap for ransom na isinampa laban dito kasa­ma ang iba pang akusado.

Noong una ay medyo takot pa ang batang bikti­ma kaya humingi muna ng pahintulot ang abugado nito na kung maari ay sa­ma­han siya ng kanyang ama bago ito lumapit at ituro si Roldan at sabihang ito ang big boss sa nasa­bing  pagdukot sa kanya.

Bukod dito, tinawag  din ng batang biktima na “bad mommy” ang isa sa mga akusadong si Rowe­na San Andres, na ayon    sa bata ay nagpakain sa   kan­ya ng walang kutsara at tinidor at nagpalaba      ng mga damit ng iba pa  nilang kasamahang du­-mu­kot dito.

Isinalaysay din ng bata kung paano sila magpa­ -lipat-lipat ng sasakyan at bahay hanggang sa ma­ - hu­li ang mga kidnappers.

Sa panayam naman  sa abugado ni Roldan na si Atty. Orlando Salatan­dre Jr., sinasabi nitong hindi  sila nababahala sa salay­say ng bata sa korte dahil ng maganap ang nasa-bing pangingidnap ay 3-anyos lamang ito.

Matatandaang noong Pebrero 9, 2005 ay dinu­ kot ang batang biktima na noo’y 3-taong gulang pa lamang habang papasok ito sa kanyang eskwe­la-han sa Ortigas, Pasig City.

Matapos ang dala­wang linggong pagpa­ palipat-lipat ng hideout      ay nasak­lo­lo­han ang bata ng Police Anti Crime and Emergency Response (PACER) sa kuta ng mga ito sa Cubao, Quezon City.

Samantala kasalu­ ku­yang pansamantalang nakakalaya si Roldan ma­tapos na payagan ng kor-te na makapag-piyan­sa.  (Ed­win Balasa)

vuukle comment

DENNIS ROLDAN

JUDGE RODOLFO BONIFACIO

ROLDAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with