^

Metro

2 nursing student binoga, todas

-

Dalawang nursing student ang binaril at napatay ng di-kilalang mga salarin habang patungo sa bahay ng nobya ng isa sa mga biktima sa Tondo, Manila kahapon ng madaling-araw. 

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Bryan Lorenzana, 18, binata ng #530 Peñalosa St., Tondo; at Ricky Almario, 21, ng Ton­suya, Malabon City.

Dalawang hindi pa kilalang  lalaki na armado ng kalibre .45 ang mga suspek na tumakas matapos ang insidente.

Dakong alas-4 ng mada­ling‑araw  nang maganap ang insidente sa tapat ng #518 Fran­cisco Sts malapit sa  Franco St., Tondo.

Pauwi ang mga biktima at ang isang Vincent Tordera galing sa isang birthday party ng isang Janette Rocha sa Esguerra St. Tondo nang ya­yain ni Lorenzana ang mga kasama na dumaan muna sa bahay ng kanyang nobya.

Bago pa sumapit sa bahay ng pakay na nobya ay luma­bas ang dalawang suspect at binaril ang dalawa habang si Tordera ay hindi ginalaw.

Hinala ng imbestigador, may kaaway si Lorenzana na naging karibal nito at dahil sa selos ay inabangan ito upang barilin subalit nadamay si Almario.

Patuloy pa rin ang im­ bes­ti­gasyon upang matukoy ang tunay na motibo at mga sus­pect sa krimen. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BRYAN LORENZANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with