Testigo humingi ng kapalit

Lumutang kahapon ang isang maninindang testigo para magbigay ng salaysay sa pamamaril sa FEU forward player na si Marnel Baracael subalit hiningi nitong kapalit na kondisyon ang bigyan sila ng permit na makapagtinda sa bangketa ng R. Papa, Sam­paloc, Maynila.

Sa pagpapaunlak ng vendor na si Maricel Manzal, nang imbitahan kahapon sa Manila Police District-Homi­cide Section, sinabi nito na marami pang vendor ang may balak na lumutang upang tumestigo kung mangangako lamang si Manila Mayor Al­fredo S. Lim na bibigyan sila ng permit sa pagtitinda.

Sinabi ni Manzal sa kan­yang testimonya na bumaba ng kotse ang gunman na uma­sinta kay Baracael at ma­tapos ang pamamaril ay nag­lakad lamang papalayo sa lugar. (Ludy Bermudo)

Show comments