Kalapati ibabawal ni Bayani
Dahil sa nakakadagdag ng dumi sa kapaligiran, gigibain at ipinagbabawal ni Metropolitan
Nabatid kay Fernando na hindi lamang ang dumi ng kalapati na nakakaperwisyo sa iba pang bubungan kundi maging sa mga lansangan din ay dumudumi dulot ng pag-aalaga ng mga kalapati. Posible ring maghatid ito ng panganib sa kalusugan, lalo na sa mga may hika o allergy.
Pinayuhan ni Fernando ang mga pigeon lovers na ikulong sa malaking hawla sa loob ng bakuran ang kanilang mga kalapati upang hindi ito makaperwisyo sa kanilang kapitbahay o iwasan na lamang mag-alaga kung walang sapat na lugar dahil perwisyo ito sa iba.
Ipinaliwanag ng MMDA chief na isa lamang ito sa mga isinusulong nilang kampanya sa programang pangkalinisan at kaayusan ang pagbabawal sa pag-aalaga ng kalapati sa mga bubungan, bukod pa rito ang pagbabawal sa paglalaba at paliligo sa mga lansangan.
Sinabi ni Fernando na nagsisimula ang kaunlaran ng isang lungsod o bayan sa pagkakaroon ng tamang disiplina at kalinisan ng pamayanan na magiging panuntunan ng kani-kanilang magiging anak at apo.
- Latest
- Trending