Pulis sinapak ng MMDA traffic enforcer
Umiinit ngayon ang iringan sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang suntukin umano ng isang traffic enforcer ang isang pulis sa isang kaguluhan sa EDSA, Quezon City kahapon.
Dumulog dakong alas-11:30 ng tanghali sa Quezon City Police District-Station 10 ang nasapak na si PO3 Carlos Samoy, nakatalaga sa PNP-Directorate for Intelligence and Investigative Division (DIDM) sa Kampo Crame kung saan inireklamo nito ang isang enforcer na nakilala lamang sa apelyidong Bolivar.
Sa kanyang salaysay, sinabi ni Samoy na rumesponde umano siya sa isang kaguluhan sa may kanto ng EDSA at
Wala namang nagawa si Samoy kundi magreklamo na lamang sa Kamuning police station kasama ang kanyang mga kakilalang pulis buhat sa QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit. Tinungo naman ng grupo ang MMDA station sa ilalim ng Kamuning fly-over ngunit hindi na makita ang hinahanap na si Bolivar maging ang team leader nito na namukhaan lamang ni Samoy. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending