^

Metro

Madadayang gasoline station, sinalakay sa QC

-

Pinasalamatan ng pinuno ng isang transport group si Quezon City Mayor Sonny Belmonte sa ginawang pagsalakay at pagpapamulta nito sa maraming gasoline stations sa lungsod na hindi calibrated  ang mga makina.

Sinabi ni Obet Martin, pangulo ng Pasang Masda, na dapat tularan ng ibang lungsod ang ginawang pag­papasara ni Belmonte sa mga gas station na hindi eksakto ang ibinibentang gasolina sa mga motorista. 

Sa isang pulong-balitaan sa Quezon City, nana­wagan rin si Martin sa mga jeepney drivers na mag­dala na ng 1-litrong bote na kanilang gagamitin na pa­nu­kat sa pagpapakarga ng gasolina upang maka­tiyak na hindi sila nadadaya ng mga kompanya ng langis.

Samantala, sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando na kanilang tinatapos na ang mga loading at unloading terminals para sa mga bus at jeepney sa kahabaan ng Commonwealth Avenue bilang bahagi ng programang “Discipline Zone”na una na nilang inilunsad. Ito’y matapos ang batikos ng ilang residente na kawalang-pakinabang ng mga una nang naitayong terminals na hindi pa binubuksan hang­gang ngayon. 

Sinabi ni Fernando na sabay-sabay na umano nila itong bubuksan kapag nakumpleto na ang mga itinatayong terminals sa buong Common­wealth Avenue upang hindi magkaroon ng kalituhan sa mga motorista at mga pasahero. (Danilo Garcia)

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

COMMONWEALTH AVENUE

DANILO GARCIA

DISCIPLINE ZONE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OBET MARTIN

PASANG MASDA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with