^

Metro

2 holdaper bulagta sa shootout

- Rose Tamayo-Tesoro -

Patay  ang dalawang hinihinalang miyembro ng “Nikilado Gang” na sang­kot sa nagaganap na bus holdap, habang sugatan naman ang isang kagawad ng pu­lisya matapos ang pag­pa­­palitan ng putok ng baril, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Habang isinusulat ang balitang ito ay pa­tuloy pang inaalam ng Ma­kati City Po­lice ang pagkakakilan­lan sa mga  nasawi na uma­no’y hi­ni­­hinalang mga miyem­bro ng isang holdup at rob­bery syndicate na kumi­kilos sa mga lungsod ng Kalak­hang Maynila at nambi­bik­tima ng mga pam­­pasa­herong bus.

Sugatan naman sa mukha si PO3 Rizaldo Abalos ng Makati City Po­lice matapos ang ilang mi­nu­tong pakikipagpa­litan nito ng putok sa mga na­sawi. Ayon sa ulat dakong  alas-11:50 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa Mantrade, Pasong Tamo, Makati.

Nabatid na bago ang insidente ay una uma­nong biniktima ng mga suspect ang isang pam­pasaherong bus at nang pababa na ang mga ito sa nasabing sa­sak­yan ay namataan ang mga ito ni Abalos. Dahil sa mga ka­hina-hinalang kilos ay agad na sinita  ni Abalos ang mga suspect subalit agad na bumunot umano ng baril at walang habas na pina­putukan ang una da­hilan upang madapli­san ito sa mukha.

Dahil dito ay gumanti na rin ng putok si Abalos at matapos ang ilang mi­nu­tong palitan ng pu­tok ay duguan nang naka­­handu­say ang mga suspect.

Agad na nasawi sa pinang­yarihan ng insi­dente ang isa sa mga suspect, habang nama­tay naman sa Pembo Hospital ang isa pang ka­samahan nito.

Narekober sa mga suspect ang iba’t ibang cellphone, wallets at ka­gamitan ng mga pasahe­rong kanilang biniktima.

vuukle comment

ABALOS

CITY PO

DAHIL

MAKATI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with