^

Metro

P1.50 rollback sa gasolina at kerosene

-

Binigla ng independent oil player na UniOil Philip­pines ang iba pang oil company matapos na mag­deklara ito ng P1.50 rollback kada litro sa presyo ng kanilang gasolina at kerosene.

Dakong alas-2 ng madaling-araw kahapon nang ideklara ng kompanya ang rollback matapos umanong mag-stabilized ang presyo ng gasoline sa pambansang pamilihan.

Gayunman nilinaw ng UniOil na tanging ang dala­wang produkto lamang ang kasama sa rollback habang ang diesel at liquefied petroleum gas ay mananatili sa dating presyo.

Siniguro rin ni UniOil general manager Luisito Medina-Cue na hindi magtataas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang kanilang kompanya sa susunod na weekend.

Noong nakalipas na weekends ay kabilang ang UniOil sa mga kompanya ng langis na nagtaas ng P3 kada litro sa presyo ng diesel na isa sa pinaka­mataas sa kasaysayan.

Nakatakda namang mag-rollback din ang mga major players. Tiwala naman si Energy Secretary Angelo Reyes na ibababa ng mga kompanya ng langis ang presyo ng petrolyo sa bansa dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo  ng  krudo.  (Edwin Balasa at Rose Tamayo-Tesoro)

BINIGLA

DAKONG

EDWIN BALASA

ENERGY SECRETARY ANGELO REYES

GAYUNMAN

LUISITO MEDINA-CUE

PRESYO

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with