^

Metro

13 nakaw na sasakyan nabawi ng QCPD sa Cebu

-

Nabawi ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at PNP-Region 7 Intelligence Division ang 13 mga hinihinalang sasakyan na tinangay sa Metro Manila at ibiniyahe sa Cebu City sa isang operasyon kamakalawa ng gabi.

Naaresto sa naturang operasyon ang nag-iisang suspek na nakilalang si Joseph Burt Canete, ng Compound 888, Riveridge Subd., Brgy. Tisa, Cebu City.

Inihahanda naman ng Police Regional Office 7 ang “macro-etching” at iba pang beripikasyon bago ibiyahe pabalik sa Metro Manila ang mga nakumpiskang dalawang Hyundai Starex van, isang Mitsu­bishi Lancer, isang Nissan Sentra, isang Mitsubishi Adventure, isang Nissan Urvan, isang Toyota Revo, isang Isuzu Crosswind, isang Mitsubishi L300 van, isang Toyota Hi-Ace van, isang Toyota Fortuner, isang Isuzu Hilander at isang Mitsubishi Delica.

Sa inisyal na ulat, sinalakay ng QCPD Anti-Carnapping Unit sa pamumuno ni Insp. Angelo Nicolas at PNP Region 7 ang naturang compound sa bisa ng search warrant na inilabas ni QC Regional Trial Court branch 104 Judge Thelma Pon­ferrada.

Mismong si Quezon City Mayor Feliciano Belmonte pa ang nagbigay ng pamasahe at panggastos sa mga opera­tiba ng QCPD para sa naturang operasyon na buo ang suporta sa pulisya upang ma­tigil ang talamak na nakawan ng sasakyan sa lungsod.

Napag-alaman na unang iniulat ng isang civilian asset ang pagsasakay sa barko ng hinihinalang nakaw na Starex van patungo sa Cebu. Agad namang ru­mes­ponde ang mga anti-carnapping operatives ng QCPD at kinunan ng video footage ang pagbiyahe at sinundan ito hanggang sa makarating sa naturang compound.

Nagsasagawa na rin ng berepikasyon ang mga operatiba sa Land Transportation Office (LTO) upang makilala ang mga tunay na may-ari ng naturang mga nakum­piskang sasakyan. (Danilo Garcia)

ANGELO NICOLAS

ANTI-CARNAPPING UNIT

CEBU

CEBU CITY

DANILO GARCIA

ISANG

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with