^

Metro

Driver ng motorsiklo nahati ang katawan!

- Edwin Balasa -

Malagim na kamata­yan ang sinapit ng isang 47-anyos na lalaki maka­raang mahati sa dalawa ang katawan nito nang mabangga at makalad­kad ng isang trak na na­walan ng preno at ma­pisak nang bumangga pa sa isang nakaparadang trak, kahapon ng mada­ling-araw sa Pasig City.

Kinilala ang biktimang si Wilfredo Gregorio, re­ sidente ng #19 Ber­nale St. San Francisco del Monte, Quezon City.

Samantala kasaluku­yang inihahanda ang kasong reckless impru­dence resulting to homi­cide and damage to pro­perty laban sa suspek na si Fernando Mallari, dray­ber ng gravel and sand trailer truck na may pla­kang (WKE-532) na na­walan ng preno na bu­mangga sa motorsiklo ng biktima.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa ka­habaan ng Ortigas Ext. kanto ng Lanuza St., Brgy. Ugong ng nasabing lungsod.

Nabatid na kasaluku­yang nakahinto sa stop light ang motorsiklo nang bigla itong salpukin ng trak na nawala umano ng giya.

Sa bilis ng takbo ay nakaladkad ang motor­siklo at ang biktima ng may 50 metro at tumigil lang ito nang sumalpok ang nakabanggang trak sa isang nakaparadang trak dahilan upang ma­hati sa dalawang bahagi ang kaawa-awang si Gregorio.

Ang torso nito ay tu­milapon sa kalsada ha­bang ang ibabang bahagi ng katawan ay naipit ka­sama ng kanyang motor­siklo sa dalawang dam­bu­halang sasakyan.

Ayon sa mga naka­saksi ng insidente, bago ang pangyayari ay nakita ang suspek na si Mallari na tila may kaaway na isang buntis na babae sa loob ng minamanehong trak.

Posible umanong hindi napansin ng suspek ang stop light na naka-kulay pula dahil sa pag-aaway dahilan upang di­rekta nitong mabangga ang motorsiklo na mina­ma­neho ng biktima.

FERNANDO MALLARI

LANUZA ST.

ORTIGAS EXT

PLACE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with