^

Metro

2 policewoman na nasaksak ng ballpen tutulungan ni Lim

-

Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na suportado at bibigyan din niya ng legal assistance ang dala­wang policewoman na nagsagawa ng takeover sa Vitas slaughter house ka­makailan sa Maynila. 

Ang pahayag ni Lim ay bunsod na rin ng kanyang natanggap na impormas­yon na dalawang police­woman ang nasaktan sa takeover nang saksakin ni Joyce Alcoreza, isa sa mga opisyal ng Dealco at kapa­tid ni  Councilor Dennis Alcoreza. 

Una nang nagpahayag ng suporta si Lim kay Sta­tion 1 commander Supt. Rolando Miranda matapos na makatanggap ito ng mga pagbabanta matapos ang takeover. 

Sina PO1 April Francis­co at SPO2 Ruby Hilado, ay sinaksak ng ballpen ni Joyce kung kaya’t napilitan ang mga pulis na bitbitin ito palabas ng  slaughter­house. 

Ang pamilya Alcoreza ang nagmamay-ari ng Deal­co farm sa loob ng ma­habang taon subalit ipi­nasya ng city govern­ment na bawiin bunga na rin ng iba’t ibang reklamo ka­bilang na ang pagiging marumi ng lugar na isa sa  mga nakasaad sa kontrata. 

Kasabay nito, iginiit din ni City legal officer Renato dela Cruz na hindi rin nag­babayad ng isang por­siyen­tong city share ang Dealco sa city government na umaabot sa P46 million, upa at real property taxes sa loob ng walong taon. 

Bukod dito, nagtayo din ang Dealco ng fitness at re­creation center sa ika­la­wang palapag ng Vitas slaugther house nang hindi nagpapaalam sa city go­vernment. (Doris Franche)

APRIL FRANCIS

COUNCILOR DENNIS ALCOREZA

DEALCO

DORIS FRANCHE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with