^

Metro

Holdaper minalas sa lady cop

-

Hindi umubra ang pagiging kilabot ng isang holdaper sa biniktima nitong policewoman na eksperto sa martial arts ka­hapon ng umaga sa Pasay City.

Bago naaresto ay nakatikim muna ng karate ang suspek na si Rolando Gatchalian, 40, ng Bo. Sto. Niño St., Pasay City mula sa biktima nitong si PO1 Perlita Garcia, 25, nakatalaga sa Regional Special Action Unit ng National Capital Region Police Office.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:45 kahapon ng umaga nang mangyari ang na­sabing insidente sa panulukan ng EDSA at Sgt. Mariano St., Pasay City.

Nag-aabang ng masasak­yan ang biktima sa naturang lugar nang biglang lapitan ng sus­pek na armado ng cutter at hinawakan ang kanyang ka­liwang braso.

Habang hawak ang braso, biglang itinutok ng suspek ang cutter sa leeg ng pulis at agad na pinitas nito ang suot na 18 karat gold na kuwintas ng huli.

Sa pagpupumiglas ay na­sugatan sa leeg ang biktima habang ang suspek ay agad namang matuling tumakbo papalayo dala ang kuwintas na ninakaw sa una. Hindi naman nawalann ng loob ang biktima na agad na nag­sisigaw sa paghingi ng tu­long na agad namang naka­kuha ng atensiyon sa mga com­muters na tumu­long sa una upang habulin  ang suspek.

Makaraan ang ilang minu­tong umaatikabong habulan ay nasukol din ng biktima at mga bystanders ang suspek at dala na rin sa labis na galit ay buong gigil na pinatikim muna ng una ng karate ang huli bago pinilipit ang mga kamay at bawiin ang kanyang kwintas.

Halos hindi naman makagu­lapay dahil sa tinamong bugbog ang suspek nang personal na bit­bitin ito ng biktima sa tang­gapan ng pulisya at ipakulong.  (Rose Tamayo-Tesoro)

MARIANO ST.

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASAY

PASAY CITY

PERLITA GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with