^

Metro

Mister  pinatay sa gulpi

-

Isang mister ang pinatay sa gulpi ng kanyang mga pinsan matapos mag-angkinan ng tumamang baraha  sa sakla kama­kalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Patay na nang maipasok sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Fernando Tongco, 42,  ng 326 Miranda Compound, Malinta sa naturang lunsod.

Pinaghahanap naman ng Valenzuela City Police ang mga suspek na sina  Bernard David; Bong at Bimbo Tongco, pawang nasa mga wastong gulang at residente ng  Malinta.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11  ng gabi sa may  San Isidro Chapel, na matatagpuan  sa Gov. Santiago St., Malinta kung saan mayroong sugal na sakla dahil may pinaglalamayang patay.

Kapwa nag-angkinan ang biktima at si Bimbo sa tumamang baraha kung saan nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa pagtulu­ngang bugbugin ng mga suspek ang biktima. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BERNARD DAVID

BIMBO TONGCO

FERNANDO TONGCO

LORDETH BONILLA

MALINTA

MIRANDA COMPOUND

SAN ISIDRO CHAPEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with