^

Metro

PNP umalerto vs NPA liquidation squad sa MM

-

Inalerto na kahapon ni PNP  chief Director General  Avelino Razon Jr. ang  lahat ng units ng pulisya ka­ugnay ng nadiskubreng  pagpapakalat  ng liquida­tion squad ng New Peo­ple’s Army (NPA)  sa Metro Manila upang isakatupa­ran ang kill plot laban kay Pangulong Gloria Macapa­gal Arroyo at iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Una rito, ibinulgar ni AFP-National Capital Re­gion Command Chief Major Gen. Arsenio Arugay, ang pag­papakalat ng liquida­tion squad ng NPA rebels sa Metro Manila upang isa­gawa ang ‘kill plot’ laban sa matataas na opisyal ng gob­yerno kabilang na si Pa­ngulong Arroyo, top brass ng AFP at maging ng PNP.

Ang pagpapakalat ng liquidation squad ng com­munist rebels ay nabuking sa gitna na rin ng isinasa­gawang  pagpapaigting ng seguridad ng security forces ng pamahalaan kaugnay ng isasagawang State of the Nation Ad­dress (SONA) ni Pangu­long Arroyo sa Batasan Complex sa darating na Hulyo 28.

Sinasabing ang banta sa buhay ng Pangulo ay pla­nong isagawa ng natu­rang liquidation squad sa oras na makakuha ang mga ito ng pagkakataon kahit na tapos na ang SONA.

Inihayag ni Razon na pinaiimbestigahan na niya ang report ng AFP kung saan ay inatasan na nito ang PNP Directorate for Intelligence na alamin ang nasabing kill plot ng NPA liquidation squad.

Aminado si Razon na nananatili pa ring numero unong banta sa pamban­sang seguridad  ang Com­munist Party of the Philip­pines-New People’s Army (CPP-NPA). (Joy Cantos)

vuukle comment

ARSENIO ARUGAY

AVELINO RAZON JR.

BATASAN COMPLEX

COMMAND CHIEF MAJOR GEN

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with