Tsinoy na nang-hostage patay
Napatay ng pulis ang isang umano’y drug addict na Tsinoy makaraan ang ginawang pangho-hostage at pag-aamok na ikinasugat sa tatlo niyang kasama sa bahay kabilang ang pitong-buwang na sanggol sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.
Isinugod pa sa Metropolitan Hospital ang suspect na si Kelvin Tan, alyas “Arvin Tan” ng Room 502 NECO building, sa #511 T. Pinpin St., Binondo, Manila bunga ng balang tinamo sa bibig mula sa baril ni PO3 Eduardo Belamide, nakatalaga sa MPD-Station 11.
Sugatan at ginagamot sa nasabi ding ospital ang mga biktimang sina Cindy Tan, 17, pinsan ng suspect; Mark Christian Rosete, 7-buwan, anak ni Cindy at Irene Pelaez, 30, katulong ng suspek.
Sa report ni Supt. Nelson Yabut, hepe ng MPD-Station 11, dakong alas-8:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek.
Sa salsaysay ng ka tulong, balisa umano ang suspect na pabalik-balik na naglalakad sa loob ng bahay na mistulang nanlilisik ang mata kaya isinumbong ito sa pinsang si Cindy subalit binalewala umano ito ng huli. Matapos magtungo ng suspect sa kusina ay pumasok ito sa kuwarto na kinaroroonan ng pamangking si Mark na walang sabi-sabi nitong pinagtataga.
Dahil sa palahaw na iyak ng bata ay pumasok sa kuwarto sina Cindy at Irene kung saan nasaksihan ang ginagawa ng suspect sa baby kaya nagsisigaw ang mga ito. Gayunman, sila naman ang binalingang tagain ng suspect.
Sa kabila na sugatan ay nakuha pa ni Cindy na makalabas ng bahay at humingi ng tulong. Mabilis naman ang pagresponde ng mga pulis, subalit nagkulong ang suspect sa loob ng bahay kasama ang sugatang sina Martk at Irene na ginawa pa nitong hostage.
Hindi makuha sa pakiusap ang suspect kung saan nakakuha naman ng tiyempo ang pulis na si Belamida na nakapasok sa bahay subalit nang makita siya ng suspect ay tinangka siyang sugurin ng taga kaya napilitan na ang pulis na paputukan ito ng baril na naging dahilan ng pagkasawi nito.
Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima.
Sa imbestigasyon, lalo umanong nagpakalulong sa iligal na droga ang suspect makaraang layasan ng asawa dahil sa pagiging adik.
- Latest
- Trending