4 na holdaper na nag-ala-Robin Hood, timbog
Arestado ang apat na holdaper makaraang mag-ala Robin Hood ang mga ito at mamigay ng pera sa mga kapitbahay bilang balato sa kanilang nakulimbat na malaking halaga ng pera na nakuha nila sa hinoldap na drug store sa
Kinilala ang mga narestong suspek na sina Jaylord Mendiola, 19, Allan Mendiola, 27, Erwin Rodriguez, 29, at Michael Payag, 20, mga miyembro ng “Sigue-Sigue Sputnik” at pawang mga residente ng Brgy. Barangka ng nasabing lungsod.
Ayon kay Sr. Supt. Carlos De Sagun, hepe ng Mandaluyong police, nilooban ng mga suspek ang South Star Drug store na matatagpuan sa lungsod noong Hulyo 21 kung saan tinutukan ng mga ito ang security guard ng drug store at kunin ang service firearm nito. Matagumpay na nakuha ng mga suspek ang halagang P138,000 na kinita ng drugstore bago mabilis na nagsitakas.
Sa ginawa namang follow up operation ng pulisya, na-monitor ng mga ito na nagbibigay ng P500 sa mga kapitbahay ang mga suspect.
“Tila nais pa nilang maging makabagong Robin Hood. May nakapagsabi sa amin na namumudmod daw sila ng pera sa kanilang lugar kaya nagsagawa agad kami ng operation that resulted in their arrest,” pahayag ni De Sagun.
Bagamat itinatanggi ang akusasyon sa kanila ay positibo namang itinuro ng mga empleyado ng hinoldap na drug store ang apat na silang nanloob sa kanila.
Lumalabas pa sa ginawang imbestigasyon ng pulisya na sangkot ang mga suspek sa mga holdapang nagaganap sa iba’t ibang lugar sa Mandaluyong
Kasalukuyang nakapiit ang mga ito sa Mandaluyong detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending