^

Metro

2 miyembro ng robbery gang, timbog

-

Naaresto na ang dalawa sa limang miyem­bro ng “Lahay-Lahay at Colanco Robbery Group” na sinasabing kapwa mga responsable sa naganap na P4 mil­yon armored van robbery noong nakara­ang Biyernes sa Market! Market! Place, Fort Bonifacio sa Taguig City.

Batay sa ulat ng pulisya, ang mga sus­pect na sina Romeo Baluran at Nestor Mutia ay unang naaresto kabilang ang lima pa katao sa paglabag sa City Ordi­nance No. 36, Series of 2008, Paragraph 14, o pag-inom ng alak sa pampublikong lugar noong Linggo ng gabi.

Ayon naman sa pahayag ng Public Information Office (PIO) ng Taguig City, ka­hapon lamang na­pag-alaman ng pu­lisya na sina Baluran at Mutia pala ay sangkot sa nasabing armored van robbery nang kilalanin ang mga ito ng ilang testigo.

Kabilang sa mga  positibo ring ku­milala sa mga suspect ay ang security guard on duty na si Gerry Singson at isa pang tes­tigo na si Krystyl Navarro.

Ayon sa paha­yag ng mga testigo, sina Baluran at Mutia ay kasama umano ng mga suspect na sumakay sa Tamaraw FX matapos na lima­sin ng mga ito ang pera sa loob ng armored van.

Kinasuhan na nila kahapon ng robbery at  serious physical injuries sina Baluran at Mutia bukod pa sa paglabag sa na­sabing ordinansa. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BALURAN

CITY ORDI

COLANCO ROBBERY GROUP

FORT BONIFACIO

MUTIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with