^

Metro

Raliyista vs GMA kumokonti na – NCRPO

-

Patuloy na kumokonti o bumababa ang bilang ng mga raliyista mula sa hanay ng mga militanteng grupo na bumabatikos sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa par­tikular na sa Metro Manila. Ito ang inihayag  ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Geary Barias sa harap ng mga ikinakasang mga kilos protesta ng iba’t ibang grupo lalo na nakatakdang State of the Nation Address (SONA ) ni  Pangulong Gloria Maca­pagal Arroyo sa darating na Hulyo 28.

Ang SONA ni Pangulong Arroyo ay inaasahang sa­salubungin ng kilos protesta mula sa hanay ng mga militan­teng grupo na ihahayag ang kanilang mga kara­ingan sa tumitinding kahirapan sa bansa at serye ng oil price hike. Ayon kay Barias, hindi na kinakagat pa ng taumbayan ang mga propagandang inilalabas ng mga grupo ng makakaliwa laban sa pamahalaan. Sa kabila nito, sinabi ni Barias na patuloy ang kanilang pakikipag­pulong sa mga organizers ng grupo ng mga raliyista upang tiyakin na magiging mapayapa ang  ilulunsad ng mga itong kilos protesta sa SONA ni Pangulong Arroyo.

Magugunita na sa kasagsagan ng exposé ni star witness Jun Lozada hinggil sa kontrobersyal na  $ 329M ZTE deal na pinasok ng pamahalaan sa China ay kaliwa’t kanan ang kilos protesta na inilunsad ng anti-govern­ment groups na hinihiling ang pagbaba sa ka­pang­yarihan ng punong ehekutibo.

Samantalang nakapagtala ng kabuuang 22 insidente ng kilos protesta ang NCRPO sa huling bahagi ng 2007 hanggang sa mga unang  buwan sa pagpasok ng taong 2008.  (Joy Cantos)

CHIEF DIRECTOR GEARY BARIAS

JOY CANTOS

JUN LOZADA

METRO MANILA

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with