^

Metro

15-anyos patay sa kaklase

- Rose Tamayo-Tesoro -

Patay agad ang isang 15-anyos na 4th year high school student ma­ka­raang tamaan ito ng bala ng pen gun na unang napulot ng kan­yang mga classmate at paglaruan ito sa loob ng kanilang klase, kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Namatay sa loob mis­mo ng kanilang class­room ang biktimang si Julian Laos, residente ng Kalesa sa Amor St., Pasay City at estudyante ng Baclaran Annex Na­tional High School ng lung­sod makaraang ta­maan ito sa tagiliran ­ng kanyang katawan.

Sa panayam ng PSN  kay PO2 Pio Calvo, may hawak ng kaso, pasado alas-6 ng umaga ­nang mangyari ang nasabing insidente sa loob mismo ng classroom ng biktima sa nabanggit na es­kwelahan.

Lumalabas sa isina­ga­wang imbestigasyon ng pulisya na bago ang insidente ay unang naka­pulot umano ng isang pen gun ang isang grupo ng mga classmate ng biktima sa isang kalsada habang ang mga ito ay papunta sa nasabing eskwelahan.

Bunga ng pagiging interesado sa napulot na bagay ay dinala naman ng mga estudyante sa loob ng kanilang class­room ang nasabing pen gun at pinaglaruan umano ito ng classmate ng biktima na si Ryan George Garcia, 15, at tumama ang bala nito kay Laos.

Agad umanong nala­gu­tan ng hininga sa loob mismo ng nasabing class­room ang biktima at hindi na nagawa pa itong maitakbo sa pagamutan bunga ng tinamo nitong tama sa maselang ba­hagi ng kanyang katawan.

Ayon naman kay PO2 Calvo, kasalukuyan ng nakakulong sa kanilang detention cell ang sus­pect at nakatakda na nilang i-inquest ito ha­bang isinu­ sulat ang ba­litang ito kahapon ng hapon.

vuukle comment

AMOR ST.

BACLARAN ANNEX NA

HIGH SCHOOL

JULIAN LAOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with