15-anyos pababa sinasanay ng sindikato ng droga
Mga menor-de-edad na nasa gulang na 15-anyos pababa ang sinasabing sinasanay ngayon ng sindikato ng ilegal na droga para gamitin nila sa pagtutulak ng droga sa mga kalsada. Dahil dito, magkatulong ngayon ang Philippine Drug Enforce ment Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) sa pagbabantay sa sinasabing operasyong ito ng sindikato.
Pinaigting ng PDEA ang kanilang intelligence network ukol sa naturang ulat, habang nakatakda naman umanong magrekomenda ang DDB ng pag-amiyenda sa Republic Act 9344 o “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006” upang makapagsagawa ng pag-aresto at imbestigasyon ang mga awtoridad sa mga kabataang sangkot sa krimen lalo na sa ilegal na droga.
Inihayag din ng PDEA ang pagtaas ngayon ng presyo ng shabu sa kalsada na aabot na ngayon ng P9,000 kada gramo buhat sa dating P2,200 nitong nakaraang Pebrero. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending