^

Metro

11-anyos patay sa trader

-

Patay  agad ang isang 11-anyos na bata matapos na mabaril ito sa ulo ng isang nagwalang negos­yante habang ang una  ay naniningil ng ending sa basketball, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Patay na nang idating sa K. C. Calderon Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo si Harvey Aragon ng Independence St., General T. de Leon ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulisya ang sus­pect na si Rico Bitualla, 44, at kapitbahay ng biktima.

Base sa ulat, alas-7:50 ng gabi ay unang nagwa­wala umano ang suspect sa kahabaan ng Inde­pen­dence St., at hinahanap ang isang “Calo” na nam­batok sa kanyang anak na si Jinggoy, 15.

Biglang nagpaputok umano ang suspect ng dala nitong kalibre .45 na baril at minalas na tina­maan sa ulo ang biktima na noon ay naniningil ng bayad sa ending ng bas­ket­ball sa nabanggit na lugar.

Agad na dinala ang biktima sa nasabing ospi­tal ngunit patay na ito nang idating, habang agad na­mang tumakas ang sus­pect. (Rose Tamayo-Tesoro)

CALDERON HOSPITAL

GENERAL T

HARVEY ARAGON

INDEPENDENCE ST.

PATAY

RICO BITUALLA

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with