^

Metro

Mukha ng dalaga sinira ng binasted na tomboy

-

Nasira ang mukha ng isang magandang dalaga nang walang awang bug­bu­gin siya ng isang tomboy na kanyang binasted ka­hapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Kasalukuyang nakara­tay ngayon at inoobserba­han sa Navotas Lying Clinic sanhi ng mga tina­mong pasa, bukol at mga galos sa mukha at kata­wan ang biktimang si Richelle Rodri­guez, 24,  ng #29 Ignacio St., Brgy. North Bay Blvd. North ng nabanggit na lungsod. Kaagad namang tuma­kas ang suspek na si Crys­tal Padua, at naninirahan sa Los Martirez St., Brgy. San Jose, Navotas City.

Naglalakad ang biktima nang salubungin siya ng suspek at walang habas siyang bugbugin nito at halos mawalan ng malay ang dalaga bago mabilis na tumakas si Padua.

Ayon sa biktima, ma­tagal nang nanliligaw sa kanya ang suspek at dahil sa kapwa sila babae ay wala siyang nararamda­mang pagka­gusto dito kung kaya’t nag­tanim ito ng galit sa kanya ng biguin niya ito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

IGNACIO ST.

LORDETH BONILLA

LOS MARTIREZ ST.

NAVOTAS

NAVOTAS LYING CLINIC

NORTH BAY BLVD

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with