^

Metro

Grade V shinotgun ng sekyu

- Ni Ludy Bermudo -

Isang 15-anyos na elemen­tary grader pa lamang ang napatay ng isang security guard matapos pagbintangang nag­na­nakaw ito sa bodegang bina­bantayan ng huli, sa Tondo May­nila kahapon ng madaling- araw.

Dead-on-the-spot ang bik­timang si  Rodel Garcia, ng 50 Carnation St., Happy Land, Ton­do, bunga ng tinamong tama ng bala mula sa shotgun ng suspek na si Joven dela Cruz, Dogwar Security Agency na nakatalaga sa Pioneer Trans­port Services. Nabatid na mabilis na tu­makas ang nasabing sekyu matapos ang pamamaril.

Sa ulat ni Det. Ed Ko ng Ho­mi­cide Section ng Manila Police District(MPD), dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang barilin umano ng suspek sa loob ng Pioneer Transport Services, na mata­tagpuan sa Capulong St. at Radial 10, Tondo ang binatilyo.

Sa imbestigasyon, nagro-roving umano ang suspek nang makarinig ng kalabog mula sa bubong na katabi ng isang bo­dega at dali-daling inalam, kung saan nakita umano ang dala­wang lalaki na umano ang isa ay armado pa ng baril.

Nang tangkang babarilin umano ang sekyu ng nasabing lalaki ay inunahan na nito nang pagpapaputok ng shotgun. 

Nalaglag sa nakatambak na electrical transformer  ang isa, habang   mabilis namang tuma­kas ang kasama nitong armado. Dahil sa insidente, ipinagtapat ng suspek sa kasamahang si Romulo Manaloto, driver/me­cha­nic na nakabaril siya bago tuluyang tumakas.

Isang Rodolfo Garcia na ku­milalang anak niya ang napatay, ang nagsabing niyaya ng tat­long barkada ang biktima at hindi niya kakilala ang mga ito.

Sinabi naman ng isang Bo­ni­facio Odono, barangay tanod sa lugar, na nakita niya ang  biktima at tatlo pang kasama­han nito na pabalik-balik sa lugar na binabantayan ng suspek.

vuukle comment

CAPULONG ST.

CARNATION ST.

DOGWAR SECURITY AGENCY

ED KO

HAPPY LAND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with