^

Metro

Fake license syndicate, nabuwag

-

Dahil sa pagmamaneho ng motorsiklong walang plaka, nadiskubre at nabuwag ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang sindikato na gumagawa at nagbebenta ng mga pekeng driver’s license ng Land Transporation Office kama­kalawa ng hapon sa naturang lungsod.

Apat na suspek ang nadakip na nakilalang sina Jhanus Celis, 26; Virgilio Padilla, 28; Erick Jude Diaz, 33; at June Albert Tomagan, 21, pawang mga residente ng Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Sa ulat ng QCPD-Station 10 (Kamuning), dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon nang maispatan ng mga nagpapatrulyang pulis  si Tomagan sakay ng isang motorsiklo na walang plaka sanhi upang parahin ito.  Nagpakita naman ng lisensya si Tomagan na natuklasang peke ito habang nakuha rin sa kanya ang apat pang pekeng lisensya na nakapangalan sa ibang tao.

Dito isinailalim sa interogasyon si Tomagan na umamin na peke ang kanyang lisensya at miyembro ng isang grupo na gumagawa at nag­be­benta nito. Dinala naman sa LTO Main Office ang mga nakuhang lisensya kung saan bineripika na peke nga ito.

Pumayag naman si Tomagan na makipag­kooperasyon sa pulisya kung saan sinamahan nito ang mga kagawad ng QCPD-Station 10 sa kanilang lungga sa #100-A K-4th Street, Kamu­ning. Ginamit ng mga awtoridad si Tomagan upang makapasok sa loob ng bahay na naging dahilan sa pagkakadakip sa tatlo pang suspek.

Nakumpiska sa naturang establisimyento ang lamination machine, paper cutter, printers, com­puter sets, at iba pang paraphernalia sa pame­meke nila ng lisensya.

Sinampahan naman ng kasong paglabag sa Article 172 o falsification by private individuals and use of falsified documents at Article 176 o manufacturing and possession of instrument or implements for falsification ng Revised Penal Code ang mga nadakip. (Danilo Garcia)

A K

DANILO GARCIA

ERICK JUDE DIAZ

JHANUS CELIS

JUNE ALBERT TOMAGAN

LAND TRANSPORATION OFFICE

TOMAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with