^

Metro

Kidnappers ng mga estudyante, kumakalat

-

Binalaan ng Manila Police District (MPD) ang publiko laban sa umano’y gumagalang dalawang lalaki na umano’y dumudukot sa mga estudyante habang sakay ng isang kulay itim na van para  kunin ang kanilang kidney upang ibenta.  Ang babala ng MPD-General Assignment Section (GAS) ay kasunod ng report ng  dala­wang estudyante ng Adamson University (AdU),  isa dito ay resi­dente ng Gomez  St. Paco, Manila, habang ang isa pa ay mula sa Kahilum, Pandacan Manla  ang dumulog sa kanilang tanggapan matapos na umano’y makaligtas sa kamay ng dalawang hini­hinalang kidnappers na nakasuot ng bonnet.

Batay sa naging imbestigasyon, naganap ang umano’y pag­dukot sa dalawa noong Huwebes dakong alas-4 ng hapon sa under­pass sa harapan ng Manila City Hall, Arroceros, Ermita Manila. Bigla na lamang umanong tumigil sa harapan ng mga bik­tima  ang  kulay itim  na van   bago sila  tutukan  at puwersahang isakay.

Ayon sa isang biktima na si Teresa   na nang ipasok ito sa loob ng van ay nadiskubre niyang may tatlo pang  biktima kung saan  isa ang babae at dalawa ay lalaki. Ngunit nakakita lamang umano ng pagkakataon ang mga biktima  pagsapit sa harapan ng Old Senate Bldg. sa kanto ng Ayala Blvd. at Taft Ave., kung kaya’t nagsi­talon ang mga ito sa bintana ng van nang mabillis nila itong nabuksan. Kahapon ay nagreport ang dalawa sa MPD-GAS ma­tapos na naikuwento ni Teresa  sa loob ng campus kung saan naka­usap din nito ang isa pang estudyante na nakaranas din ng nasabing insidente. (Grace dela Cruz)

ADAMSON UNIVERSITY

AYALA BLVD

CITY HALL

ERMITA MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with