^

Metro

100 bagong baril ipinamahagi ni Mayor Belmonte sa QC police

-

Sa layuning mapalakas pa ang paglaban sa kriminalidad sa lungsod, may 100 bagong baril ang ipinamahagi ng Que­zon City government sa Que­zon City Police District (QCPD) para maarmasan ang lahat ng tauhan ng pulisya.

Nabatid na umaabot sa P3 milyong pondo ang inilaan ni Mayor Feliciano Belmonte para sa pagbili ng 100 Glock 22 calibre 40 Smith and Wesson handguns na ipamamahagi sa QCPD District Mobile Force na binubuo ng Special Weapons and Tactics Unit (SWAT), Bomb Squad, at Mobile Anti-Street Crime Operatives.

Inaasahan naman ni Bel­monte na sa pamamagitan ng mga bagong armas, tataas ang kapabilidad ng pulisya lalo na upang malabanan ang mga krimen at maisaayos ang kapa­yapaan sa lungsod.

Una nang nagbigay din ng 50 shotguns at 275 na kalibre 9mm pistol ang pamahalaang lungsod sa pulisya nitong mga nakaraang buwan. 

Sa kasalukuyan, umaabot na sa P129.5 milyong halaga ng patrol vehicles, communications gadgets, baril, bala, acces­sories, armored vests at bomb suits ang naibigay ng Quezon City go­vernment sa QCPD mag­mula noong 2001.

Sinuk­lian naman ito ng QCPD ma­tapos na ma­ka­bi­lang sa Top 10 model police stations sa buong bansa base na ini­hayag ng United States De­partment of Justice.

Pinasalamatan naman ni QCPD Director Sr. Supt. Mag­tanggol Gatdula si Belmonte sa suporta nito sa kapulisan habang pinaalalahanan ang kanyang mga tauhan na pag­husayan at magkaroon pa ng dagdag na dedikasyon sa pag­tupad ng kanilang tungkulin. (Danilo Garcia)

BOMB SQUAD

CITY POLICE DISTRICT

DANILO GARCIA

DIRECTOR SR. SUPT

DISTRICT MOBILE FORCE

MAYOR FELICIANO BELMONTE

MOBILE ANTI-STREET CRIME OPERATIVES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with