^

Metro

Mabahong kemikal ipinaanod sa ilog

-

Daan-daang residente ng isang barangay sa Pasig City ang nakaram­dam na pagkahilo at pag­susuka, habang ang iba naman ay kinakailangang dalhin sa pagamutan par­tikular ang mga bata maka­raang ma­ ka­langhap ng mabahong amoy mula sa isang kemi­kal na ipinaanod sa ilog kamakalawa ng ha­tinggabi sa Brgy. Rosario ng lung­sod na ito.

Ayon sa mga residente ng tabing-ilog sa West­bank, Floodway Brgy. Ro­sario, pasado alas-12 ng ha­ting­gabi nang animo’y sinu­sunog na gulong o kaya ay alumi­num na tinu­tunaw ang gumising sa ma­himbing nilang pagka­ka­tulog dahi­lan ng pagsi­sikip ng ka­nilang dibdib at hindi na makahinga. Dahil sa insi­dente ay halos nagkanda­suka at na­ngahilo ang daan-daang mga residente ng West­bank, Brgy. Ro­sario na lalo umanong tu­mindi ang amoy habang tu­matagal kung kaya kara­mihan sa mga residente ay nagsigi­singan at nilisan ang ka­nilang lugar habang ang ibang mga bata ay isinu­god na sa mga pagamutan upang mabigyan ng pa­unang lunas.

Ang pangyayari ay nag­dulot ng kaguluhan sa mga residente kaya agad na su­maklolo ang Pasig rescue team at inilikas ang mga re­sidente sa nasabing lugar. Teorya ng mga resi­dente, nagpaanod ng ke­mikal ang isa sa mga pab­rika sa ilog matapos sa­man­­talahin ng pamu­nuan nito ang mala­kas na buhos ng ulan ng bag­­­yong Helen. (Edwin balasa)

AYON

BRGY

CITY

FLOODWAY BRGY

PASIG

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with