^

Metro

Trader na nanagasa, namaril sa Makati, hanap pa rin

-

Hindi  pa rin umano lumulutang hanggang sa ngayon ang pro­mi­nenteng anak ng isang business tycoon na sinasabing walang habas na nagpaputok ng baril at sumagasa ng ilang sasakyan sa isang trapiko kamakalawa sa Makati City, habang patung-patong namang kaso ang isinampa na ng pulisya kahapon sa dalawang naarestong bodyguards ng una.

Sa panayam ng PSN kay Makati City Police chief, P/Supt. Gilbert Cruz, kinumpirma nito na hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin umano nagpapahiwatig ng pagsuko o nag­pahatid ng anumang komunikasyon ang suspect na si Robert “Roby” Puyat Martel, may-ari ng Harrison Plaza Mall sa Maynila at anak naman ng business tycoon na si Antonio Martel Jr., upang linawin ang nasabing akusasyon laban sa kanya.

Ayon pa kay Cruz, patung-patong na kaso naman ang isinampa na sa mga naarestong bodyguards ng batang Martel na sina Juanito “Johnny” Cruz at Samson Fernandez.

Kabilang sa mga isinam­pang kaso laban sa mga ito ay multiple damage of properties at pagbabanta, habang wala pa naman umanong naisampang kaso laban sa negosyante at sa tatlo pang mga bodyguards nito na kasama ring pinaghahanap pa.

Pitong mga biktima o com­plainants naman umano ang nag­tungo na sa tanggapan ni Cruz para magsampa ng demanda laban kay Martel at mga tauhan nito. Kabilang sa mga com­plainants ang dalawang taxi driver na sina Rodolfo Arcaina at Gales Bein­benido, isa pang motorista at ilang taga-pamahala ng Planters Bank.

Batay sa nakalap na impormasyon, ang suspect na Martel ay una nang may kinakaharap na kasong frustrated parricide na isinampa ng mismong misis nito.

Magugunita na nag-ugat ang paghahanap sa batang Martel matapos na mag-counter flow umano ito sa trapiko, binangga ang ilang sasakyan at nagpaputok pa ng baril dahilan upang muntik matamaan ang ilang empleyado at mga kliyente ng na­ sabing banko pasado alas-11 kamakalawa ng umaga.  (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ANTONIO MARTEL JR.

CRUZ

GALES BEIN

GILBERT CRUZ

HARRISON PLAZA MALL

KABILANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with