^

Metro

Sa SONA ni GMA, bomb threat ’di aabot sa MM…

-

Hindi aabot sa Metro Manila ang bomb threat ng mga teroristang grupo ka­bilang ang Jemaah Isla­miyah (JI) sa Mindanao ka­ugnay ng napipintong State of the Nation Ad­dress (SONA) ni Pangu­long Gloria Macapagal Arroyo sa Batasan Com­plex sa Quezon City sa darating na Hulyo 28 .

Ito ang inihayag  kaha­pon  ni  AFP-NCRCOM  Spokes­man Captain Carlo Ferrer sa mga pangam­bang pananabo­ tahe sa SONA  ni Pangu­long Arroyo ng mga tero­ristang grupo.

Ang nangyayari umano sa Mindanao ay hindi mangyayari sa Metro Ma­nila, ayon pa kay Ferrer ka­sabay nang pagsasabing wala rin silang nakikitang banta ng kudeta.

Nauna nang nagpala­bas ng travel advisory ang Estados Unidos sa mama­mayan nito sa bansa na iwasan muna ang pag­biyahe sa Mindanao dahi­lan sa nananatili ang ‘bomb threat ‘ sa lugar na kilalang pinagtataguang balwarte ng JI.

 Sa kabila nito, tiniyak ni Ferrer na patuloy ang ka­nilang monitoring sa galaw ng mga teroristang grupo  upang mapigilan kung sakali mang mag­tangka ang mga itong manabotahe sa SONA.

Samantala, iba na rin umano ang nakahanda kaya maging ang mga tang­ke ng militar ay ipo­poste rin sa Camp Agui­naldo na handang magres­ponde sa oras na kaila­nganin.  Gayundin tutulong ang AFP-NCRCOM sa pag­sasagawa ng choke­points at checkpoints sa mga istratehikong lugar sa Metro Manila.  (Joy Cantos)

vuukle comment

BATASAN COM

CAPTAIN CARLO FERRER

MINDANAO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with