^

Metro

Prominenteng trader hanap ng Makati police

- Rose Tamayo-Tesoro -

Wanted  ngayon ng pulisya ang isang promi­nenteng negosyante ma­karaang mag-counter flow ito sa trapiko, binangga ang mga kasalubong na sasakyan at nagpaputok pa ng baril dahilan upang muntik-muntikang mata­maan ang ilang empleyado at mga kliyente ng isang banko, kahapon ng umaga sa Makati City.

Sa panayam kay Ma­kati City Police chief Supt. Gilbert Cruz, hindi na muna umano niya ilalahad ang pangalan ng nasabing negosyante, habang pi­nag­ha­hanap pa ito. Sina­sa­bing nagma­may-ari ito ng isang mall sa Maynila.

Gayunman, dalawang tauhan nito ang hawak na ng pulisya. Isa ay kinilalang si Johnny Cruz.

Batay sa ulat, pasado alas-11 kahapon ng uma­ga nang unang sumalu­ngat sa daloy ng trapiko ang nasabing suspect habang sakay ito ng isang Ford Expedition na may plakang EXP-703, ka­buntot ang kanyang back-up na isa ring Ford Ex­pedition na umano’y may plaka namang XPP-191 sa harapan ng RCBC Plaza at emba­hada ng Saudi Arabia sa H.V. dela Costa St., na­bang­git na lung­­sod.

Ha­bang kabuntot uma­no ng sus­pect ang kan­yang back-up at sa kabila ng walang humpay na pagpaalarma ng wang-wang nito ay hindi umano nagbigay-daan ang isang taxi  dahilan upang bang­gain ito ng sa­sakyan ng una na sumalungat sa daloy ng trapiko.

Dito ay bu­maba umano ang suspect at agarang sinita at matapang na kinom­pronta ang nagitla na taxi driver.

Sa gitna umano ng komprontasyon ay biglang bumunot ng baril ang sus­pect at nagpaputok ito da­hi­lan upang balutin ng sin­dak ang iba pang moto­rista at mga bystander sa lugar.

Matapos nito ay agad na pu­masok umano sa Avignon Tower sa H.V. dela Costa St. corner San Agustin ng Makati City ang suspect kung saan ay agad namang isinara ng security guard dito ang pinto ng gusali  nang mag-responde ang mga pulis sa pangunuguna ni Supt. Manny Santos at tangkang arestuhin ang una.

Bunga ng nasabing komosyon ay agad na­mang nag­tungo sa lugar si Cruz upang per­sonal na atupagin ang nasabing insidente at arestuhin ang na­sabing gwardiya na hu­marang sa grupo nina Supt. Santos na umano’y napilitan lamang umanong isara ang pinto ng gusali nang pati ito ay tutukan din ng baril ng nabanggit na negosyante.

Samantala, nag-rekla­mo naman sa pulisya ang pamunuan ng Planters’ Bank makaraang pu­masok at tumama sa ikatlong pa­lapag ng kanilang gusali ang bala na nagmula sa baril ng suspect na muntik namang makatama sa ilang mga empleyado dito.

vuukle comment

AVIGNON TOWER

CITY POLICE

COSTA ST.

FORD EX

FORD EXPEDITION

GILBERT CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with