^

Metro

Bangko nilooban; P1-M tangay

-

Umaabot  umano sa P1 milyon   ang natangay ng mga hindi pa nakikilalang suspect na nanloob sa Bank of the Philippine Islands (BPI) sa Capitol Hills, Quezon City na binutas ang bubungan upang makapasok sa loob.

Isinasailalim  sa imbestigas­yon ang janitor ng naturang bangko na hindi muna pinangalanan. Nabatid na dakong alas-7 kahapon ng umaga nang madiskubre ng mga empleyado ng bangko ang naganap na panloloob sa BPI-Capitol Hills branch sa may Tandang Sora at agad na ipinagbigay-alam sa pulisya.

Lumalabas na pinasok ng mga suspek ang bangko nito lamang Linggo ng gabi o madaling araw dahil sa basa pa ang putik na iniwan ng paa ng mga salarin.

Inakyat ng mga sus­pek ang bubu­ngan ng bangko at binutasan ito upang maka­pasok.  Ginamitan rin ng mga magnanakaw ng acetylene torch ang vault ng bangko kung saan nalimas ang laman nitong P1 milyon. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

CAPITOL HILLS

DANILO GARCIA

GINAMITAN

INAKYAT

ISINASAILALIM

QUEZON CITY

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with