Barker dedo sa pulis
Patay ang isang barker matapos itong barilin ng rumespondeng pulis habang ang una ay nanggugulpi ng isang barangay Ex-O, kahapon ng umaga sa
Si Ricardo Mayor, 34, ng #
Nagtamo naman ng mga pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo sina PO2 Robert Beleno, 35, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 18 ng Caloocan-PNP at si Abelardo Gatarin, Ex-O ng Brgy. 183.
Lumalabas sa imbestigasyon ni PO3 Noli Albis, may hawak ng kaso na dakong alas-8:30 kahapon ng umaga nang mangyari ang nasabing insidente sa kahabaan ng
Nabatid na kasalukuyang nagpipintura umano ng pedestrian lane si Gatarin kasama ang ilang tanod ng Brgy. 183 nang makita ng mga ito si Mayor na nagtatawag ng mga pasahero sa isang nakaparadang jeep.
Agad na nilapitan ni Gatarin si Mayor upang pansamantala itong patigilin sa pagtatawag ng mga pasahero dahil naaapakan ng mga sumasakay ang kanilang pinipinturahang pedestrian lane. Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa bigla na lamang kumuha ng kahoy si Mayor at pinagpapalo sa ulo at katawan si Gatarin.
Sa pagkakataong ito, agad na rumesponde si PO2 Beleno sa insidente at tinangka nitong awatin si Mayor ngunit maging ang una ay pinagpapalo rin ng huli ng kahoy. Nang akmang tatayo ang pulis mula sa pagkakadapa sanhi ng mga tinamong mga palo ay muli itong pinagpapalo ni Mayor dahilan upang bunutin ni PO2 Beleno ang kanyang baril at paputukan ito.
Agad na isinugod sa nabanggit na pagamutan si Mayor, subalit namatay ito habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor, habang sina PO2 Beleno at Gatarin ay dinala naman sa Jose Rodriguez Hospital at matapos lapatan ng paunang lunas ay kusang loob na sumuko ang pulis sa kanyang mga opisyal.
- Latest
- Trending