Puri ipinalit sa cellphone

Isang 16-anyos na dala­gita ang nagawang pagsa­man­talahan ng kanyang tiyu­hin sa kagustuhan niyang mabawi ang kanyang cell­phone na inagaw nito sa Valen­zuela City kamakalawa ng gabi.

Nadakip naman ng pulisya dahil sa reklamo ng biktima ang suspek na si  Marino Ma­lunar, 59, ng Ong Compound, Dalandanan ng lungsod na ito.

Sa pahayag sa Valenzuela City Police ng biktima na itinago sa pangalang Thelma ng nabanggit na lugar, nag­lalakad siya sa naturang lugar pauwi sa kanyang inuuwiang bahay nang biglang sumulpot sa kanyang harapan si Ma­lunar at inagaw ang kanyang cellphone.

Sinabi umano ni Malunar na mababawi lang ni Thelma ang cellphone kung susunod ito sa kanya.

Sumunod naman ang bik­tima at pagsapit nito sa Lazaro St., Barangay Dalan­danan, bigla siyang hinatak ng sus­pek sa madilim at ba­kan­teng lote at dito naisa­gawa ang panggagahasa sa kanya.

Pagkaraan, umiiyak na nagsumbong ang biktima sa mga magulang nito kaya agad na nadakip ang  suspek. (Lor­deth Bonilla)

Show comments